Nakipagtulungan si Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga pulitiko sa Mindanao na isinali ni Speaker Pantaleon Alvarez sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) upang bumuo ng isang partidong politikal at pagsamahin ang "local ground forces and resources" bilang suporta sa pamamahala ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang apat na gobernador sa Davao Region na sumali sa Hugpong ng Pagbabago (HNP, o Alliance for Change) ay sina Antonio Rafael del Rosario ng Davao del Norte, Claude Bautista ng Davao Occidental, Nelson Dayanghirang ng Davao Oriental at Jayvee Tyron Uy ng Compostella Valley.

No comments:
Post a Comment