Ang
tradisyunal na ‘Washing of the Feet’ ay isang seremonya na isinasagawa taon-taon
tuwing Huwebes Santo bilang pag-alala sa kababaang loob at paglilingkod ng
Panginoong Hesukristo na naghugas din ng mga paa ng kanyang mga alagad.
Kasama ang mga magulang ng namatay na Pinay OFW na si Joanna Demafelis
at paring nabihag ng Maute Terror Group na si Fr. Chito Suganob sa hinugasan
ng paa ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, kahapon, Huwebes Santo.
Ito ay kanyang halimbawa ng pag-ibig at paglilingkod na nais niya ring gawin ng kanyang mga tagasunod.
Bukod dito, kasama rin sa mga hinugasan ng paa sa Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception sa Maynila ay ang mga taong narelocate, mga lumad leaders, mga miyembro ng Philippine Navy at mga banyagang sa Pilipinas nagtungo dahil sa ‘religious persecution’ at iba pa.
Ayon sa
Catholic Bishops Conference of the Philippines – gusto ng Manila Cathedral na
bigyang importansya ang panawagan ni Pope Francis sa mga diyosesis sa buong
mundo na suportahan ang mga migrante at refugees.
Noong nakaraang taon rin ay hinugasan ng paa ni Cardinal Tagle ang mga
dating gumagamit ng iligal na droga at ilang miyembro ng pulisya bilang tanda ng
kapayapaan sa kasagsagan ng libu-libong namamatay sa war on drugs ng pamahalaan.
Source
No comments:
Post a Comment