Binalaan ni Senator Antonio Trillanes IV ang mga Supreme Court Justices na napapabalitang gustong tanggalin si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa pwesto nang hindi idinadaan sa impeachment na sila ay maaaring maharap sa lantarang “pagsasamantala” sa kapangyarihan.
Ito ang naging reaksiyon ng Senador matapos magkasundo ang SC en banc na piliting himukin si Sereno na maghain ng kanyang "indefinitive leave" sa gitna ng mga alegasyong hindi pagdeklara ng kanyang buong yaman sa selection process pa lamang sa pagkapunong-rehistrado.
Ayon kay Trillanes, tanging ang kongreso lamang ang may eksklusibong kapangyarihan na alisin ang isang impeachable official.
Ipinunto ng mambabatas ang mga ulat na karamihan sa mga hukom ng korte suprema sa pangunguna ni Associate Justice Marvic Leonen ay minamaniobra ang puwersahang pagtanggal kay Sereno.
Babala pa nito, anumang “unconstitutional act” na gagawin ng mga mahistrado ay maaring maging batayan para sila naman ang ma-impeach oras na magbago na ang administrasyon.


No comments:
Post a Comment