Sa engkwentro sa pagitan ng mga militar at teroristang New People's Army (NPA), isang mag-aaral mula sa University of the Philippines-Cebu ang nahuli.
Nakilala ng Armed Forces na ang babaeng estudyante ay isang mag-aaral mula sa UP-Cebu na kumukuha ng kursong Mass Communication subalit hindi nila binigay ang kanyang pangalan.
Inaresto rin nila ang dalawang armadong menor de edad na hinikayat ng grupong terorista mula sa Negros Oriental at Negros Occidental.
Ang mga armas na nakuha mula sa nasakop na teroristang NPA ay mga high powered firearms tulad ng mga sumusunod: isang M16A1, isang M16A1 na nakalakip sa M203 Grenade launcher, dalawang M4 Rifles, isa VLTOR (M16), isa AG 43 (M16), rifle grenade, war fighting materials, mga pagkain at mga subersibong dokumento.
Sa isang pahayag, sinabi ni Heneral Losañes:
“it is a clear manifestation that the people themselves are tired of these armed NPA Terrorists conducting extortion, harassment and recruitment of minors as terrorists. Furthermore, despite the encounter, the capture of the six Communist Terrorists who were unharmed clearly shows the troops’ adherence to the principles of Human Rights, International Humanitarian Law and Rule of Law with its primacy of preserving human lives. With our continuous combat operation against the communist terrorists, we encourage the CPP-NPA Terrorists to lay down their arms, return to the folds of the law and avail the Government’s Comprehensive Local Integration Program and live a normal and peaceful life”.
Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang UP Cebu sa pagkaaresto ng kanilang estudyante.




No comments:
Post a Comment