TRILLANES BALIK-SENADO NA SA LUNES! “Anomalya” sa Administrasyong Duterte, Hiniling na Imbestigahan! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Saturday, September 29, 2018

TRILLANES BALIK-SENADO NA SA LUNES! “Anomalya” sa Administrasyong Duterte, Hiniling na Imbestigahan!



Nakauwi na si Senador Antonio Trillanes sa kaniyang tahanan nitong Sabado, Setyembre 29 matapos ang 25 araw na pananatili sa kaniyang tanggapan sa Senado. 
Sa kanyang pagbabalik sa Senado sa Lunes, tiniyak nito na tuloy ang kanyang trabaho kabilang dito ang pagsilip sa ilang mga negosyong pinasok sa pamahalaan ng ilang malalapit na tauhan ng pangulo.




Opposition Sen. Antonio Trillanes IV in his thumbs-up sign as he leaves the Makati Regional Trial Court. | Photo Via Philstar

Kasama sa listahan ni Trillanes sina Solicitor General Jose Calida at Special Assistant to the President Chridtopher “Bong” Go.

"Ako ay makikiusap sa liderato ng iba't ibang mga komite na may pending resolutions kami ng mga anomalya ng administrasyong ito. 'Yung mga corruption allegations kay [Solicitor General Jose] Calida, 'yung mga corruption allegations kay [Special Assistant to the President] Bong Go at 'yung involvement sa illegal drugs ni [Pangulong Rodrigo] Duterte mismo," aniya.


Samantala, si Trillanes ay sinamahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano at kanyang mga staff sa paglabas sa Senado makalipas ang ipinatawag na presscon kaninang 10:30 ng umaga.
Patuloy namang nananalangin ang ilang kaibigan at kaalyado ni Trillanes na malagpasan ng senador ang anila'y panggigipit ng gobyerno sa pagpapaaresto dito. 

"Hindi naman pupuwedeng tatakutin kami para tumahimik kami sa pagpupuna sa kamalian ng administrasyon na ito," ani Magdalo partylist representative Gary Alejano.

1 comment:

  1. KAYONG MGA OPPOSITION ANG NAG PAPAGULO SA AMING BAYAN WALA NANG KATAHIMIKAN ANG BANSA DAHIL SA INYONG MGA GAHAMAN SA KAPANGYARIHAN KAYONG LAHAT NA DILAWAN AT OPPOSITION SINUSUKA NG MAMAYANG PILIPI9NO DAHIL HINDI KAMI BULAG KAHIT WALA KAMING MGA SAPAT NA PINAG ARALAN TULAD NYO PERO NAKI,ITA NAMIN ANG TAMA AT MALI SA GINAGAWA NYONG MGA BULOK NA POLITIKO!!!!!

    ReplyDelete