Hindi tinanggap ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ang dalawa sa dalawampu't dalawang (22) ebidensiyang isinumite ni Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi ni Branch 148 Judge Andres Soriano na hindi tinanggap ang exhibit 9, na naglalaman ng print-out ng official facebook page ng Department of National Defense (DND) at ang exhibit 12 na nagpapakita ng lumang litrato ni Trillanes dahil hindi umano ito authenticated.
Tinanggap naman ni Judge Soriano ang karamihan sa mga ebidensya kabilang ang mga galing sa Defense Adhoc committee for amnesty at iba pang sertipikasyon ng aplikasyon para sa amnestiya ni Trillanes.
Nabatid, na submitted for resolution na ang naturang kaso matapos magsumite ng formal offer of evidence ang kampo ni Trillanes sa Branch 148.
Gayunpaman, inaasahang sa susunod na linggo na maglalabas ng resolusyon si Judge Soriano kung pagbibigyan niya o hindi ang urgent motion ng DoJ na maglalabas siya ng warrant of arrest laban kay Trillanes sa kasong kudeta kaugnay ng 2003 Oakwood mutiny.
No comments:
Post a Comment