Isinapubliko
ng social media giant na Facebook na umabot na sa 30 million users ang napasok
ng mga hackers.
Wika
ni Facebook Vice President of Product Management Guy Rosen, nakuha ng mga
hackers ang pangalan, phone number at email address.
Nagsimula
na sila anya na magpadala ng mga customized messages sa 30 milyong taong apektado
para ipaliwanag kung anong impormasyon ang maaaring nakuha ng attacker at mga
hakbang na maaari nilang gawin para mapangalagaan ang kanilang sarili
kabilang ang mga kahina-hinalang email, text messages o tawag sa telepono.
Nilinaw
naman ni Rosen na hindi naapektuhan ang ilang serbisyo nila gaya ng messenger,
Instagram, WhatsApp at ibang mga third party apps.
Facebook Vice President of Product Management, Guy Rosen |
Binanggit
rin nito na kasalukuyang nakikipag-ugnayan sila sa United States Federal Bureau
of Investigation.
No comments:
Post a Comment