Ang nasabing destinasyon ay itinakdang magkakaroon ng soft opening sa araw na ito, halos isang buwan na rin ang nakalipas nang inutos ng Pangulo ang Boracay at iba pang tourism-related na aktibidades para mabigyang daan ang rehabilitasyon nito.
Ayon kay Año makabuluhan ang pagpapabuti na isinagawa sa Boracay kasama na rito ang pag linis sa mga nakabarang sabagal sa mga kalsada at para mas madali para sa beach front.
Ipinaliwanag din ni Año na kailangan ng environmental complinace certificate (ECC) galing sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) bago payagan ang local government, unit o private entity para maka gawa ng environmetally critical project.
“Sometimes there is a flip side to development as unchecked development takes its toll on the environment. While we encourage the influx of new businesses, local governments should always consider the potential impact of new projects on the environment and to nearby residents,” ayon kay Año.
Nabanggit din ni Año na ang masalimuot na pagsasawalang bahala ng mga namamahala sa Boracay Island ay ma-aaring makasirang muli sa isang napakagandang holiday destination.
Ayon sa Presidential Decree 1586, na ibninigay noong June 11, 1978, ang sabi “no person, partnership, or corporation shall undertake or operate any declared environmentally critical project or area without securing first an ECC.”
Ang pag aapply sa ECC ay rinereview at inaanprobahan ng DENR sa pamamagitan ng Environmental MAnagement Bureau (EMB). Ang ECC ay ibinibigay matapos ang isang positibong review para sa aplikasyon sa proyekto at kailangang maipahiwatig sa proposal na wala itong maidudulot na negatibong epekto sa kalikasan.
No comments:
Post a Comment