Kinuyog
ng mga netizens ang aktor at aktress na sina Aga Muhlach at Bea Alonzo matapos
nitong banatan si Senador Antonio Trillanes nang mag-guest sa Gandang Gabi Vice
noong nakaraang Linggo.
Sa
nasabing episode na bahagi ng promotion ng pelikulang ‘First Love’ katambal si
Bea Alonzo, nabigyan sila ng pagkakataon na magtanong sa senador.
“Bakit
ba? Ano kayang gusto mong mangyari?” tanong ni Aga at dinagdagan naman ni Bea
ng “Hindi pa po ba kayo pagod?”
Dito,
ipinahayag ni Aga ang nais niya na tumulong na lamang ang senador kaysa punahin
ang mga nakaupo sa oposisyon.
“Kahit sinong presidente na lang
umuupo sinisiraan. Ito ginagawa naman ng presidente natin yung ginagawa niya.
Tumulong na lang sana. Stop, collaborate and listen,” dagdag nito.
Gayunman,
pinutol at hindi ipinalabas noong Linggo ang eksena na ipinakita ang mukha ni
Trillanes pati na rin ang mga komento nina Muhlach at Alonzo sa segment na
‘Mukha Mo, Tanong Mo’.
No comments:
Post a Comment