Si Pangulong Rodrigo Duterte ay
bubuo ng sariling armadong unit na siyang gagamitin upang itapat sa sparrow
unit ng New People’s Army (NPA).
Sa pagbisita ni Pangulong Duterte
sa Camp Rajah Sikatuna sa Carmen, Bohol para sa turn-over ng AFP at PNP housing
unit, sinabi nito na ipangtatapat niya ang kanyang Duterte ‘death squad’ laban
sa ‘hit squad’ ng NPA.
Iginiit ng Pangulo na tatapatan
niya ang talento ng NPA na walang ibang ginawa kundi ang pumatay ng tao at
eksperto sa asasinasyon.
Dagdag pa nito, patuloy niyang
pinagsusumikapang isulong ang kapayapaan pero patuloy namang pinapatay ng NPA
ang mga pulis at sundalo.
Samantala, nagbigay naman ng babala
si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison
kaugnay ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa pagbubuo nito ng isang
armed group na lalaban sa New People’s Army.
No comments:
Post a Comment