Kamakailan lang, ang singer na si Claudia Barreto ay humingi ng tawad sa kanyang "Mama Gretchen" dahil umano sa maling pag misinterpret ng mga tao about sa kanyang interview nakaraan para sa launching ng kanyang bagong album na "stay".
Sa interview natawag niya ang kanyang tita Gretchen na "somebody else" habang tinatanong siya kung handa na ba siyang i compare sa kanyang tita na nagkaroon na rin ng music album noon. Ang naging reaction naman ni Gretchen Barreto nung tinanong siya ng isang netizen ay naitawag niyang ungrateful child ang pamangkin dahil sa wala raw itong utang na loob despite sa pagbigay sa kanya ng kanyang tita ng isang magandang tahanan at buhay bago pa man inako ni Claudine ang responsiblidad. Pero sa kabila non iginiit pa rin ni Claudia na hindi nya raw sinasadya ang pagsabi ng "somebody else" sa kanyang tita, ito daw ay dahil nag-sstart pa lang siyang sa kanyang career at fist time niya pa sa mga interviews at hindi niya pa alam ang mga tamang salita na dapat sabihin, hindi niya rin daw intention na ma offend ang kanyang tita.
Kalaunan nag kabati na rin ang dalawa dahil sa kanyang anak na si Dominique na siyang nagsilbing tulay sa kanila upang magkabati. Humingi rin ng sorry si Gretchen kay Claudia dahil sa mga masasakit na salitang nasabi niya, nabanggit din niya na hindi daw siya dapat nag react ng ganun dahil parang naging anak niya na rin daw si Claudia at ang pagiging ina daw ay ang hindi pagpansin sa kabila ng kakulangan ng mga anak nila.

No comments:
Post a Comment