GENERAL BATO! SUMABOG SA GALIT DAHIL SA DALAWANG MAYAYABANG NA SPO1!! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, June 29, 2017

GENERAL BATO! SUMABOG SA GALIT DAHIL SA DALAWANG MAYAYABANG NA SPO1!!


Ayon sa kwento ng dalawang sibilyan, aminado silang nakagawa sila ng paglabag sa ordinansa  dahil sila ay nag-iinuman sa tabi ng kalsada mga pasado alas dose ngunit bakit raw umabot sa sakitan at bugbugan ang ginawa ng dalawang SPO1 sa kanila na pwede lang naman daw maidaan sa multa lang o di kaya ay warning. Tanggap naman daw ng dalawa ang nagawa nilang pagkakamali ngunit ang ginawa ng dalawang pulis na ito ay sobra-sobra na at hindi na raw ito makatao. Sa kumalat na video ng dalawang SPO1 pinagpapalo  nila at tinangkaan pa raw na putokan ng baril dahil sa galit ng isang SPO1 nang magtangkang manlaban ang isa sa kanila.

Sinisiguro naman ng Mandaluyong Police na agad ire-relieve at padidisarmahan ang dalawang Police na nasa video.
Halos sumabog din sa galit si General Bato dahil sa nakitang video at agad naman sinugod ang istasyon kung asaan nagdu-duty ang dalawa. Hindi daw niya kokonsintihin ang ginawa ng mga pulis at  agad-agarang niya ring paiimbestigahan ang mga ito dahil kung babasehan daw ang video, ito daw ay sobra sobra na.
Nang dumating si Bato sa istasyon upang komprontahin sana ang dalawa ay hindi niya naabutan ang parehong PO1 na sina Jose Tandog at Chito Enriquez.



                                    


Sa video ay pinagpapalo ni Tandog ang isa sa mga sibilyan at tinutukan ng baril habang nasa likod si Enriquez at hindi man lang inisip na awatin ang dalawa.
.Sa ngayon, nahaharap na si Tandog at Enriquez sa kasong Administratibo. Pina turn over na rin ang kanilang mga baril at badge, ngunti, todo dipensa naman ang dalawa sa nangyari, saad ni Tandog ay nakikipagsagutan at nanghahamon daw ang isang sibilyan kahit tinutukan na daw siya ng baril at humihingi naman daw siya ng pasensya sa kung ano man ang kanyang nagawang kasalanan. Dipensa rin ni Enriquez na nagulat rin daw siya sa pangyayari at pati din daw siya natatamaan rin daw ng mga palo, hindi daw siya masamang pulis sabi pa niya.
Pero kahit na anong paliwanag ang ginwa ng dalawa ay hindi parin ito rason upang maisalba sila sa kanilang kasalanan. Sa ngayon ay pinag-aaralan pang mabuti ang kaso ng dalawa.
Napagdesisyunan din ng kataasan na sila ay ire-assign sa Marawi upang maging isa sa kanilang mga parusa.
Si Enriquez na mayroong asawa at mga anak ay nalungkot sa pag re-assign sa kanya pagkat malalayo siya sa kaniyang pamilya. Ann 30- anyos na si Tandog naman na may asawa ngunit walang anak ay handa namang harapin ang parusang ipapataw sa kanya dahil sa kanyang mga pagkakamali.
Ang dalawang biktima ay inaasahang mag-file ng kaso laban sa dalawang SPO1.








No comments:

Post a Comment