Tiniyak ng AFP ang seguridad sa Pilipinas kabila ng mga nangyayaring banta sa buong kapuluhan ng bansa. Nananawagan naman ang MalacaƱang sa sambayanan na makipagtulungan upang magsugpo ang masamang gawain na nagsasamantala sa sitwasyon na nangyayari ngayon sa Marawi city.
Ayon kay BGEN RESTITUTO PADILLA "kahit marami tayong kinakaharap na kalaban pero maayos naman naitalaga ang lahat ng mga pwersa para harapin ang iba't ibang banta. At tiniyak rin niya na hindi magtatagumpay ang mga grupong ito dahil patuloy tayong naka alerto at handang tugunan kung ano man ang gagawin nila"
Pinag iingat naman ng Palasyo ang publiko sa mga scammers na humihingi ng donasyon bilang tulong sa mga nasawi at nasugatang sundalo. Alamin ang buong balita sa video na ito.

No comments:
Post a Comment