Marahas na inaresto ng isang opisyal ng motorsiklo si Juanita Mendez-Medrano, 52-taong gulang, habang nagbebenta ito ng bulaklak at Hawaiian-style leis ng walang permiso sa mga taong dumalo sa seremonya ng pagtatapos ng Perris High School nuong gabi ng Hunyo-6.
Sinabi ng mga awtoridad na hindi katulad ng ibang mga nagtitinda, tumanggi si Mendez-Medrano na pahintulutan siya ng opisyal na magbigay ng isang citation. Tumanggi siyang ibigay ang kanyang pangalan at sinubukan pa umanong lumayo kaya sinubukan ng isang opisyal na arestuhin ang babae.
BASAHIN:
INA, NAKANGITING HUMARAP SA MEDIA MATAPOS PATAYIN ANG KANYANG ASAWA at APAT NA ANAK!
LALAKING IKINULONG NG 12-TAON, NAPATUNAYANG WALANG KASALANAN KAYA PINALAYA NA!
"Bakit mo ito ginagawa sa amin?" Mariing isinigaw ni Medrano sa opisyal. "Kami ay nabubuhay ng marangal."
"Sa totoo lang, habang pinapanood ko ito ay parang sumisikip ang aking dibdib. Sa halip na arestuhin na lang ang mga drug dealer, gangbangers, inaresto niya ang isang babae na nagbebenta lang naman ng mga bulaklak," sinulat ni Jent user ng Twitter.
"Nalungkot ako dahil brutalidad ito para sa mga mahihirap lalo na't ito'y babae na nagbebenta ng mga bulaklak. Dapat siyang mabayaran para sa kanyang labis na traumatiko na paggamot," sinulat ni Facebook user Felix Cortes.
Gayunman, ang ilang mga tinig ay sumusuporta sa pagkilos ng pulisya.
No comments:
Post a Comment