Laking tuwa at pasasalamat ng mga taga Marawi sa tulong na kanilang natanggap mula sa Simbahang Iglesia.
Hindi lamang mga pribadong kompanya, sapagkat marami pang mga simbahan ang nagbahagi ng kanilang tulong sa biktima ng Marawi terrorism.
Truck mula sa INC na dumating sa Illigan tent city kung saan ang mga evacuees ay nakatira. |
Ayon kay Emiliano Magtuto Jr., ang direktor ng Iglesia ni Cristo School Ministries, na ang mga relief goods na ito ay galing sa kontribusyon ng mga miyembro ng INC mula sa iba't ibang dako ng mundo ito ay paraan nila para maipakita ang pagmamahal ng isang Kristiyano sa kapwa niya tao lalo na doon sa mga nagdurusa.
Nagpasalamat naman si Datu Basher Alonto, ang chairman ng Metro Manila Community for Justice and Peace, sa lahat ng miyembro ng INC para sa mga relief packs. Kahit ang mga pinuno ng mga Muslim ay nagpasalamat rin kay Eduardo Manalo ang executive minister ng INC.
Sana magpatuloy pa ang mga ganitong gawain at maging halimbawa natin ang ginawang pagtulong ng mga kapatid natin mula sa INC.
No comments:
Post a Comment