Ang nakangiting larawan ni Kian Shannon Sophie Cañares, 21 anyos ay
ngayo’y nakahimlay na sa kanyang kabaong na nasa bahay ng kanyang tiyahin sa
Barangay Kamputhaw, Cebu City. Nagpakamatay ang dalaga sa harap ng kanyang dalawang
taong gulang na anak.
Alas 9 ng gabi, noong Hulyo 3, kinuhanan ni Cañares sa pamamagitan ng isang live na video sa Facebook habang siya ay nakabitin sa kanyang sarili sa loob ng kanilang kwarto, sa naturang lugar. Sa pamamagitan ng live na video sa Facebook ang kamatayan ni Kian Shannon ay ginawa niyang pampubliko at maraming netizens ang nakakita sa aktong pagpapakamatay niya. Isa na sa mga nakakita ng kanyang video ay ang kanyang dalawang pinsan kung kaya’t dali-dali ang mga ito na pumunta sa bahay ni Cañares at nakita na lamang ang dalaga na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay gamit ang isang extension wire na nakabitin sa kanyang leeg.
Nang marinig ang naging komosyon, ang ama ni Cañares na si Melencio ay lumabas sa kwarto at natuklasan ang wala ng buhay ang kanyang anak. Malapit sa kinalalagyan ni Cañares ang kanyang dalawang taong gulang na anak na babae na umiiyak habang tinitingnan ang kanyang ina.
Sa pagkuha ng live na video, ginamit ni Cañares ang kanyang cellular phone na inilagay niya sa isang gawa sa kahoy na upuan- halos isang metro ang layo mula sa kung saan niya ibinitin ang sarili.
Kinuha agad ng pamilya ang video ng pagpapakamatay at hindi ipinaalam sa pulisya ang insidente hanggang sa ito ay iniulat sa isang lokal na istasyon ng radyo, na nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen noong Martes. Sinabi ni Doria na ang pagsisiyasat ay naglalayong kilalanin kung ano ang nag-udyok kay Cañares na kitilin ang kanyang buhay.
Si Cañares ay bunso sa tatlong magkakapatid, ay isang first year student na nag-aaral sa University of San Carlos na kumukuha sa kursong Psychology. Naging viral din video ng pagpapakamatay ng dalaga. Ito na marahil ang kauna-unahang kaso ng pagpapakamatay na naisapubliko sa bansa.
No comments:
Post a Comment