Pinuna
ng makailang beses ni dating pangulong Fidel Ramos si Pangulo Rodrigo Duterte ngunit
para kay Duterte, si Ramos pa rin ang modelo nito. Kamakailan lamang, sa isang
book launch ni Ramos sa Camp Aguinaldo noong Lunes ng hapon, kinilala siya ni
Duterte bilang kanyang numero unong idolo at kritiko.
“You are my number one
supporter, but at the same time you are my number one critic now,”
“I respect your
criticism. I accept your advice and maybe I will mimic your role as president
before — I will follow you, just like what the shirt says,” ani Duterte.
“Only difference is
that, I am not a military man. But love of country, patas tayo, sir. I
would say that I love my country as much as you do, and we are ready to
die for this country,”
dagdag pa ng Pangulo.
Nagbigay naman ng regalo si Ramos kay Duterte na isang shirt na
may mga katagang “Follow Me” ang naging motto ng Fort Benning sa Georgia, kung saan nakuha niya ang mga espesyal na
kurso sa militar noon.
Ang dating pangulo, na
kabilang sa mga naniniwala sa dating alkalde ng Davao City na tumakbo sa
eleksyong 2016, ay patuloy na nagpahayag ng suporta kay Duterte.
No comments:
Post a Comment