Dumalo nuong linggo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Davao del Norte. Sa araw din na ito ipinakita niya ang kanyang nakasukbit na baril sa kanyang baywang. Ito ay senyales lamang ng pagbabanta ng Pangulo sa mga nagtatangkang manggulo sa ating bansa.
“Sa lahat, military, civilian, police, religious [groups]… do
not destroy our country, do not deprive us of our young
children,” ayon sa Pangulo sa kaniyang talumpati sa ika-
50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Davao del Norte.
“Do not destroy my country because I will really kill you at
totoo talaga ‘yan,” sambit ni Duterte kasabay ng pagtaas ng
damit nito upang ipakita ang kaniyang baril.
Agad namang ipinagtanggol ni DefenseSec. Delfin Lorenzana ang Pangulo sa pagbibitbit nito ng kanyang sariling baril. Aniya, huwag dapat mabahala ang publiko sa bagay na ito at dapat na itong makasanayan. Dagdag pa niya, ito ay bilang pag-iingat lamang ng seguridad ng Pangulo sa kanyang sarili.
No comments:
Post a Comment