HONTIVEROS: UNANG TAON NI DUTERTE, MAPANGANIB UPANG MAGING ISANG BABAE! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Saturday, July 1, 2017

HONTIVEROS: UNANG TAON NI DUTERTE, MAPANGANIB UPANG MAGING ISANG BABAE!


HONTIVEROS: UNANG TAON NI DUTERTE, MAPANGANIB PARA SA MGA KABABAIHAN!

Isang taon na ang lumipas mula ng maluklok sa pwesto si Rodrigo Duterte, na kilalang "The Punisher," bilang Pangulo ng bansang Pilipinas. Siya ay nakilala sa kanyang mga plataporma patungkol sa pagsugpo ng krimen, pagkalat ng mga droga at katiwalian sa gobyerno. Sa isang taon na kanyang pamumuno ay umani siya ng iba't ibang papuri at batikos mula sa mga kilalang pulitiko sa bansa.

DUTERTE: SI LENY ANG PAPALIT KAPAG NAMATAY AKO!


Isa na rito si Senador Risa Hontiveros sa kanyang sinabi sa forum ng mga kababaihan sa Ateneo de Manila University noong biyernes na, "Ang unang taon ng Pangulo ay isang mapanganib na taon upang maging isang babae at isang taon ng pambansang pagdadalamhati."  Ito ay dahilan sa nararanasang matinding krisis sa karapatang pantao at sa ekstrahudisyal na pamamaslang sa kanyang brutal na drug war. Dagdag pa niya, tumindi ang kultura ng sexism at impunity sa administasyong Duterte dahil aniya sa kanyang malalim na pagkapoot, pag-uusig at pagpapahirap sa kanyang mga kritiko at maging sa mga lider ng kababaihan na maingat na nagtatanggol sa pagwawalang-bahala sa buhay ng tao.



Si Pangulong Duterte ay binatikos rin ng maraming beses ng iba't ibang sektor kabilang ang mga kaalyado nito. Ito ay dahil sa kanyang masamang bibig at kanyang mga biro tungkol sa panggagahasa. Kamakailan lamang ng sinabi ng Pangulo na sasagutin niya ang kanyang mga sundalo kahit na mang-rape pa sila ng tatlong babae.








No comments:

Post a Comment