Nakikipagsagupaan ang mga otoridad sa China para hulihin ang mga gumagamit ng nakakadiring "GUTTER OIL" sa kusina.
Naisip ng mga salbaheng kompanya na e recycle ang mga basurang mantika. Kinukuha nila ang mga maduduming mantika mula sa mga imburnal at basura at dinadala ito sa mga processing plants. Pinoproseso naman ito ulit at binebenta sa mababang halaga. Ang reprocess na mantika ay puno ng mga carcinogens na sanhi ng cancer at iba pang sakit. Hindi din naman malalasahan ng mga consumers na ito'y recycled oil lamang.
Ginagamit din naman ng ibang bansa ang mga recycled oil, ngunit hindi para sa pagkain, kundi para sa mga makina. Katulad na lamang ng Booeing ay nakipagpartner ito sa Chinese Aircraft Company para gawing gasolina ang gutter oil.
Hindi ba't hindi makatarungan ang pag gamit ng gutter oil at kumakain ang consumers na walang kamalay-malay? Oh my!!
No comments:
Post a Comment