Nitong nakaraan na araw lang ay nabulabog ang South Cotabato Provincial jail dahil umano sa 7 babae na sinapian ng masasamang espiritu, kabilang na sa mga nasapian ang isang 8 buwang buntis.
Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lang daw nagwala at nagsisigawan ang mga ito kasabay ng panlilisik ng mga mata at pag-iba ng boses.
May mga pagkakataong kumalama ang mga ito ngunit bigla nanaman silang sisigaw ng sabay-sabay.
Kuwento ni alyas 'bai', isa rin sa mga bilanggo dun ay hindi pa daw sila nakakatulog nang biglang isa isang sinaniban ang kanilang mga kasamahan.
'Sigaw niya na "lumayas kayo!" tapos yung anak daw nila sinaktan daw namin. Sinisiagaw niya din na yung anak daw nila, sinaktan daw namin tapos magbabayad daw kami. May kukunin daw sila. Siyempre nakakibigla ang lahat ng mga pangyayari kasi ngayon lang nangyari to eh. Sobrang nakatakot na.' saad pa niya.
Sinisisi ng ilang inmates ang mga ginagawang gusali sa dagdag na selda ng provincial jail dahil baka daw nagambala ang mga espiritu na naninirahan doon.
Ayon sa simbahan baka daw ay epekto yun ng mahinang pananampalataya ng mga nasaniban, sabi naman ng iba ay baka dahil daw iyon sa matinding depresyon.
Nagsagawa na ngayon ng taimtim na panalangin ang mga inmate para makapamuhay na sila ng tahimik sa reformatory center.
Pinaalala din ng mga religious groups na minsan dahil sa pagiging abala sa maramaing bagay ay nakakalimutan ng magbalik loob sa panginoong Diyos.

No comments:
Post a Comment