Nanawagan ang dalawang pinakamataas na opisyal ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas noong Linggo na tapusin na ang "pag-aaksaya ng buhay ng tao" at pagpigil ng pampublikong suporta ukol sa pagpatay sa mga durugista at mga inosenteng tao. Ito ay matapos ang isang brutal na linggo ng digmaan ni Pangulong Duterte kontra iligal na droga kung saan ang isang 17-taong gulang na batang lalaki ay namatay kabilang sa dose-dosenang napatay.
Si Luis Antonio Tagle, Arsobispo ng Manila, Cardinal ay nanawagan sa mga mananampalataya na "mag-isip, manalangin at kumilos" habang ang pinuno ng Catholic Bishops 'Conference of the Philippines, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ay nanawagan naman sa bansa na ihinto na ang suporta sa pulisya kontra pamamaslang ng mga diumano'y mga nagkasalang durugista.
Nanawagan rin si Villegas sa mga simbahan na patunugin ang kanilang mga kampana ng labin limang minuto simula alas otso ng gabi mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 27 bilang isang pag-aalay ng panalangin para sa mga biktima ng operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Pampanga at Metro Manila noong nakaraang linggo at bilang paalaala na rin sa mga nabubuhay upang ihinto na ang pagsuporta sa pagpatay.


No comments:
Post a Comment