ANTI-CORPORAL PUNISHMENT, ISUSULONG! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, August 20, 2017

ANTI-CORPORAL PUNISHMENT, ISUSULONG!


Nais isulong ng isang konsehal sa Quezon City ang ordinansang magpapakulong sa sinomang magulang, guro, yaya at iba pa na nananakit ng bata para magdisiplina o tinatawag na corporal punishment.


Sa ordinansang ito, matatawag na corporal punishment ang pamamalo, pananadyak, panununtok, at paggamit ng iba't ibang bagay tulad ng sinturon, sapatos, baston at iba pa na maaaring makapanakit sa isang bata.




Nakapaluob din sa ordinansang ito na bawal ang pangungurot, pamimingot, pananabunot at pagpilipit ng kamay. Ipinagbabawal rin ang parusang pagkulong, pagtali, pabitin, pagpapaluhod sa asin at monggo, hindi pagpapakain at iba pa.










Maging ang pagmumura, paninigaw, pagbabanta at pagpapahiya ay mapapaloob rin sa ordinansang ito.

Ang mga lalabag ay maaaring makulong at sa loob ng anim na buwan at maaaring magmulta ng P1,000.00

No comments:

Post a Comment