Kinasuhan na nitong Martes sina Perry Baybay, driver ng pick-up truck at Manuel Canite na nagmamay-ari ng sasakyan ng kasong paglabag sa Animal Welfare Act, Anti-Rabies Act at Meat Inspection Law ng Animal Kingdom Foundation matapos madiskubre ng mga rumespondeng pulis ang 72 patay na aso sa loob ng sasakyan matapos itong maaksidente sa Dating Hari Intersection nitong Agosto-17 na may plakang RFG 527.
via Mayor Emmanuel Maliksi Facebook Page
Agad namang kinondena ng lokal na pamahalaan ng Imus sa Cavite ang ilegal na kalakalan ng karne ng aso sa lugar.
"We will ensure that this case will be punishable by law and measures will be carried out to properly address this matter," ani Mayor Emmanuel Maliksi.
via Mayor Emmanuel Maliksi Facebook Page
Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagpatay ng aso upang gawing pagkain kung kaya't kung sinuman ang mahuling lumabag sa batas na ito ay maaaring maparusahan ng pagkakabilanggo ng hindi kukulang sa anim na buwan o pagbabayarin ng multa na hindi bababa sa Php1,000.
No comments:
Post a Comment