Muling
hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko upang patunayang
dawit nga ang kanyang anak na si Paolo Duterte sa ukay-ukay smuggling dahil 'pag nagkagayon ay handang
siyang magbitiw sa pwesto.
Sa
isang pangyayari sa Santo Tomas, Batangas, ipinaliwanag ni Duterte na
tinutulungan lang ni Paolo ang kanyang mga kamag-anak, na "Muslim vendor" na nagbebenta ng
mga garapon at ukay-ukay sa Davao City.
"Pero kung
'yung mga jars, ukay-ukay, 'yung pinapalusot ng in-laws niya, if that is
smuggling, then give me an accounting and I will resign," ayon kay
Duterte.
"I am not defending my
son. Prove it, (if) it is true, and I will resign,"dagdag pa ng Presidente.
Ang
anak ni Duterte na si Paolo ay ang Vice Mayor ng Davao City kung saan ang
Pangulo ay Mayor sa higit sa dalawang dekada.
Ang
mga dokumentong mula sa Presidential Anti-Smuggling Group at National Bureau of
Investigation (NBI) noong 2007 ay nagpapakita na ang mas batang Duterte ay
responsable para sa di-umano'y smuggling ng mga luxury vehicles, rice, sugar,
at mga ginamit na damit sa lungsod.


No comments:
Post a Comment