DUTERTE, MATAAS ANG RATINGS AYON SA PUBLICUS ASIA SURVEY! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, August 28, 2017

DUTERTE, MATAAS ANG RATINGS AYON SA PUBLICUS ASIA SURVEY!

      
Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay binansagang "The Most Desicive Among the Top 5 National Officials of the Government," batay sa survey na ginawa ng Publicus Asia. Ang Pangulo ay nakakakuha rin ng mataas na marka sa kanyang pag-ibig, pag-aalala, at pag-aalaga sa bansa.


                                               via Rappler 





 Sa resulta ng Publicus Asia's Pilot Pahayag Survey, si Duterte ay nakakuha ng 90% decisiveness rating. Ang kanyang rating ay mas mataas sa Mindanao kung saan siya ay nakakuha ng 97% rating. 

Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng 5% decisiveness sa buong bansa kung saan pinakamataas sa Visayas na may 13%.


"In this day and age, I think decisiveness is the way to go in order to get things moving in this country," sinabi ng tagapagtatag ng Publicus Asia at Chief Executive Officer na si Malou Tiquia. 

Samantala, sinagot naman ni Lilibet Amatong, co-founder ng Publicus Asia ang tanong kung bakit mababa ang rating na nakuha ni Chief Justice Sereno. Aniya, ang taong-bayan o ang publiko ay maaaring hindi alam kung ano ang mga nagawa niya o ng Korte Suprema.

Dagdag pa ni Tiquia, ang mga sangay ng panghukuman at pambatasan ay maaaring gumawa ng higit na pagsisikap upang makipag-usap at maipaliwanag sa publiko ang mga desisyon at mga tungkulin nito.