Nasigawan ni Senador Dick Gordon si Mark
Taguba dahil sa halatang may mga hindi binubunyag pa si Taguba. Tila may
kinatatakutan si Taguba sa loob ng senate hearing kung kaya't ganun na lamang
ang kanyang pagdadalawang isip na umamin sa katotohanan.
Paiba-iba din ang naging statement nito,
at palagi pa itong gumagamit ng salitang "RAW" na ibig sabihin ay
hindi ito sigurado sa mga pinagsasabi nito. Hindi rin mapigilan ni Senador
Gordon ang inis nito dahil sa tuwing pinapaamin nito ng totoo, ay hindi rin
niya binibigyan ng last name ang bawat taong sinasabi nito.
Tila naglimut-limutan pa si Taguba na
hindi nito maalala ang mga apelyedo ng mga sangkot sa naturang isyu. Makailang
beses din tinanong ni Sen. Pacquiao si Taguba kung kakilala nitong personal ang
anak ng Pangulo na si Vice Mayor Paolo Duterte ngunit mariin ding itinanggi
nito na hindi pa niya ito nakikilala sa personal.
Para sa karagdagang detalye, panoorin ang
video.

No comments:
Post a Comment