ISANG PARI! INIHALINTULAD ANG KAMATAYAN NI KIAN DELOS SANTOS SA KAMATAYAN NI HESUKRISTO!! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, August 27, 2017

ISANG PARI! INIHALINTULAD ANG KAMATAYAN NI KIAN DELOS SANTOS SA KAMATAYAN NI HESUKRISTO!!




Isang Caloocan Archbishop na nagngangalang Pablo David ang naghalintulad sa kamtayan ni Kian sa kamatayan ng Panginoong Hesukristo. Gaya daw ng Panginoon na pinako sa krus na walang kasalanan ay kagaya rin daw sa kamatayan ni Kian na dinampot ng mga pulis na walang kaslanan at pinaslang din na wala man lang kalaban-laban.

Sa kanyang nakaraang sermon, binigyang diin ni Archibishop David na hindi nag-iisa ang mga naulilang ina at ama ni Kian na sina Zaldy at Lorenza Delos Santos dahil madami din ang mga kabataan ang dinukot at pinagpapatay sa iba't-ibang lugar sa Camanava Area na kung saan ang mga suspek ay mga naka bonet kaya hindi agad-agarang nakikilala.

Iginiit din  niya na sana daw ay magsilbing aral na ito lalong-lalo na sa gobyerno ang mga nangyayari at mga sunod-sunod na patayan sa bansa at sana daw ay maitigil na ito at umaasa siya na ito na ang magiging huling patayan dahil wala naman daw itong magandang naidudulot na maganda sa bansa.

Dinagdag pa niya ang ilang mga nakasulat sa bibliya sa John 3:16 na nagsasabing dahil sa pagmamahal ng Ama sa sanlibutan kaya niya ibinigay ang kanyang bugtong na anak upang iligtas ang mundo.

Saad pa niya, lumuha daw ang langit at nakiisa sa panahon ng paghahatid kay Kian sa kanyang huling hantungan. Hianamon niya din ang ilang biktima ng EJK na magpakita at ilahad sa publiko ang totoo at huwag daw matakot na sabihin at para malaman din daw ng marami ang buong katotohanan.




No comments:

Post a Comment