KWENTONG KAPUPULUTAN NG ARAL
Mayroong dalawang matandang mag-asawa, at marami silang anak at puro malalaki na at mayroon ng kanya-kanyang pamilya. Pagkaraan ng maikling panahon, namatay ang matandang babae at sa sitwasyong ito ay kinakailangan ng matandang lalaki na tumira sa isa sa kaniyang mga anak upang mayroon siyang kasama at mayroong mag-aalaga sa kanya.
Dahil dito ay naisipan ng kanyang anak na doon siya ilipat at manatili sa kwarto ng kanilang driver sa gilid ng kanilang bahay, at pinalipat naman ng kwarto ang kanilang driver.
Ang matanda ay hindi nakipagtalo pa, dahil alam niya kung bakit siya ililipat ng kwarto ng kanyang panganay na anak.
Dumaan ang panahon at minsan ay dinadalaw siya ng kanyang anak, isang beses sa isang araw, isang beses sa isang lingo hanggang minsan ay isang beses nalang sa isang buwan, at bumili din sila ng isang plastic para sa lalagyan ng pagkain para sa matanda upang hindi rin ito mabasag at ang nagbibigay sa kanya ng pagkain ay ang kanilang katulong araw-araw.
Pagkalipas ng maikling panahon ay namatay ang matandang ito, At pagkatapos ng pagdadalamhati, ay nagtungo ang lalaki na ito sa kwarto ng kanyang ama, upang linisan at ibalik muli dito ang kanilang driver.
Nakita ng lalaki na ito na hawak hawak ng kanyang batang anak ang plastic na kinakainan ng kanyang lolo.
Sabi ng tatay na ito sa kanyang anak: bakit mu hawak hawak ang plastic na yan, ipapatapon na yan sa ating katulong. ngunit hindi pumayag ang kanyang batang anak at nagsabi: ito ay itatago ko. Nagtaka ang kanyang tatay at nagsabi: at bakit mo naman itatago yan, luma na yan at anu mapapala mu jan? Sabi ng kanyang anak: itatago ko po ito para sayo, para kapag ikaw ay matanda na, ay dito kudin ilalagay ang pagkain mo tulad kay lolo.
Agad napaiyak ang lalaki,at halos hindi siya matigil sa ka-iiyak dahil sa kanyang narinig, ngunit huli na ang lahat dahil wala na ang kanyang tatay.
Bilang isang anak ,ay nararapat sa atin na maging mabuti sa ating mga magulang, bigyan natin sila ng oras, ng panahon, pagmamahal at pagpapahalaga. Maging mabait sa iyong mga magulang. kapag ang isa sa kanila o kapwa silang dalawa ay umabot sa katandaan sa iyong buhay,huwag magsalita nang walang pag galang, o pagalitan sila,bagkus mangusap sa kanila sa paraang marangal. -credits
No comments:
Post a Comment