MUST READ!! MEET THE JAPAN'S 82-YEAR OLD APP MAKER - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, August 20, 2017

MUST READ!! MEET THE JAPAN'S 82-YEAR OLD APP MAKER



Maniniwala ba kayong ang isang 82-year old na ginang sa Japan isang app-maker?
Maaaring di ka makapaniwala, ngunit si Masako Wakamiya, isang Japanese local ay ang nagpatunay na ang katandaan ay hindi basehan sa kung ano pa ang pwede mong gawin sa buhay gaya ng paggamit ng internet at ang mas malupet pa ay ang paggawa ng app.

 Alam natin na ang paggawa ng app ay hindi biro ngunit hindi ito naging hadlang kay Wakamiya. Nakakatuwang isipin na nung magsimula daw siyang magtrabaho ay gumagamit pa siya ng abacus para sa math pero ngayon ay kabilang na siya sa World's oldest iphone app developers at isa na ring tagatuklas upang ang smartphones ay maging accessible din para sa mga may edead na.

 Pahayag niya kapag tumatanda na raw ay maraming pagbabago ang nangyari satin gaya ng paglabo ng mata at paglagas ng buhok ngunit kapag may natutunan daw na bago, gaya ng pag-access ng internet ay motivating rin daw ito sa mga matatandang kagaya niya. 

Dagdag pa niya na kapag kapag nakamit mo na raw ang gusto mong propesyon sa buhay ay dapat mo pa ring bumalik sa pag aaral, at sa panahon ng internet kapag huminto kang matuto ng mga bagong bagay ay magiging mahirap para sa iyo ang iyong pang araw araw na buhay. Saad din niya na nagsimula umano siyang magkainteres sa computers noong 1990's nang magretiro siya sa kanyang trabaho bilang isang bank clerk.

 Sa ngayon ay ping-aaralan ni Wakamiya ang basic ng coding at ang pagdevelop ng 'Hinadan', isa sa kauna-unahang app games sa Japan  para sa mahigit 60-anyos  at madalas din siyang hinhiling na maimbitahan ngayong taon ng Apple  para lumahok sa kanilang prestihiyosong Worlwide Developers Conferece kung saan siya ang pinakamatandang App creator.





82-year old  Masako Wakamiya in Japan
(Oldest app developer)

No comments:

Post a Comment