Nanawagan ng hustisya ang mga residente ng Ozamiz sa pamamagitan ng pagdala at pagtaas ng kanilang mga ginawang plakard sa labas ng Immaculate Conception Cathedral kung saan ginanap ang misa sa libing ng kanilang namayapang Mayor, kanyang asawang si Susan, kapatid na si Mona, Misamis Occidental Board Member Octavio Parojinog na pinatay kasama ang iba pang labin dalawa sa panahon ng government raid sa family compound sa lungsod nuong ika-tatlumpu ng Hulyo.
BASAHIN:
Nanatiling hinahangaan ng maraming residente ng taga-Ozamiz City si Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at itinuturing na bilang bayani ng kanilang bayan kahit na pinatay siya sa isang antidrug raid.
Ang Misa at libing ay dinaluhan ng mahigit sa limang libong katao at marami sa kanila ay nakasuot ng puti at itim na kamisetang may nakalimbag na larawan ni Mayor Parojinog at ng kanyang asawang si Susan bilang simbolo ng kanilang pagdadalamhati.





mga binayaran lahat abe a eh malaking kwartas iyan ah maliban na lang kung 100 peso kada isang taong mga ulol.
ReplyDelete