Kamakailang Lunes lang ay nagkaroon ng isang meeting si Duterte sa mga magulang ni Kian sa Malago Clubhouse sa Malacañang.
Ayon sa balita ang mga mismong magulang naman daw ni Kian ang humiling na makita at makausap ang Pangulo dalawang araw pagkatapos ilibing ang kanilang anak.
Sinabi na rin ng Pangulo na hindi na siya mangingialam sa patuloy na imbestigasyon sa kaso ni Kian ng NBI at ng Comission on Human Rights. Dagdag pa niya na kung sino man ang mga pulis na bumaril kay Kian ay siguradong makukulong kapag napatunayan silang guilty sa kasong murder.
Mas pinili na lang rin ng Presidente na huwag na lang pumunta sa burol ni Kian dahil ayaw na niya na bigyan pa ng kahulugan ng media ang kanyang pagdalaw sa burol.
Samantala, si Senador Trillanes naman ay pinaghinalaan nanaman ang galaw ni Duterte. Saad niya, nagtataka daw siya kung bakit kailangan pa talagang kausapin ang mga magulang ni Kian ng personal at bakit sa Malacañang pa daw mismo sila kailangang harapin.
Dagdag pa niya guilty daw si pangulong Duterte sa pagkamatay ni Kian dahil sa kanyang defensive na mga panayam tungkol sa mga Drug Suspects.
"Ayan na lumabas na rin na guilty ang mamang na ito. Ni hindi nga pumunta sa burol para makiramay man lang, tapos ngayon kakausapin niya ng private. Dalawa lang yan eh, pinaki-usapan niya na wag nang ituloy ang kaso at bibigyan na lang sila ng pera o tinakot niya." ito ang panyam ni Trillanes sa mga nag interview sa kanila.
Sa isang video, ang mag asawa ay pinapaasang isang malin is at pantay na imbestigasyon ang mangyayari sa kaso ng pagkamatay ng kanilang anak. Nakiusap na rin ang ina ni Kian na sana daw ay wag nang isali at gamitan ang pangalan ng kanilang anak kung para lang naman daw sa mga isyung pampolitika.
No comments:
Post a Comment