Hindi inakala ng mga netizens na meron palang tao na di mo inaasahang nabubuhay sa ganitong sitwasyon. Kilalanin ang half-man, half tree na si Dede, 34 anyos mula sa Jakarta, Indonesia.
Nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang kalusugan si Dede noong kinse anyos pa lamang ito. Noong una, akala niya'y normal lamang ang mga pagtubo ng mga kulugo sa iilang parte ng kanyang katawan. Sa di inaasahang pagkakataon ay bigla itong dumami at kumalat sa buong katawan nito matapos niyang paoperahan ang mga tumubong kulugo sa katawan nito.
Sa kamay at paa ni Dede makikitang tila nagmistulang mga sangay ng puno ang mga ito dahil sa tigas at mas lumalaki habang unti-unting natatabunan ang ilang parte ng katawan niya.
Hindi matukoy kung ano ang kanyang karamdaman dahil hindi pa nito pinasuri sa mga dalubhasa ang kanyang kondisyon dahil kapos din ito sa pera. Iniwanan din umano si Dede ng kanyang asawa matapos nitong malaman ang kalagayan habang meron itong dalawang anak. Isang lalaki, 18 anyos at isang babae, 16 anyos.
Sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan ni Dede ay patuloy parin itong lumalaban sa buhay at umaasang balang araw ay magkakaroon ng lunas ang kanyang karamdaman upang bumalik na sa normal ang kanyang kalusugan at makapagtrabho upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak.
Suportado din si Dede ng kanyang pamilya, at ang kapatid nitong lalaki ang palaging nakaalalay sa kanya sa lahat ng kanyang gagawin, mula sa paglinis ng katawan, pagkain dahil nahihirapan itong humawak dahil sa sobrang bigat ng kanyang kamay.
Maswerte din namang inalagaan ang kanyang mga anak sa kapatid nito dahil hindi na nito kaya ang pag aalaga sa mga ito. Isang dalubhasa naman sa balat mula sa Mary Land, USA ang nagbigay ng tulong upang maoperahan ang karamdaman ni Dede.
Kasalukuyan ngayong nagpapagaling si Dede o mas kilala sa tawag na "TREE MAN" na sobrang excited ng gumaling at gawin ang mga bagay na hindi na nito nagagawa dahil sa kanyang sitwasyon.
No comments:
Post a Comment