DE LIMA, PINASALAMATAN SI PACQUIAO SA LABIS NA PAGTANGGOL KAY PAOLO DUTERTE!! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, September 14, 2017

DE LIMA, PINASALAMATAN SI PACQUIAO SA LABIS NA PAGTANGGOL KAY PAOLO DUTERTE!!





Labis ang pasasamat ni Senador Leila de Lima kay Senador Manny Pacquiao sa kung paano ipinagtanggol ng Senador si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte noong pagdinig ng Senado sa Huwebes hinggil sa mga aktibidad ng karumihan at smuggling sa Bureau of Customs (BOC).



Ayon kay Pacquiao, "ang mga larawan ng isang pinaghihinalaang kriminal kasama ang isang taong may "public figure" ay hindi palaging nangangahulugan na sila ay kasangkot sa gawain ng isa't isa."

Sa pahayag ni Pacquiao, tinutukoy nito ang mga kasama sa litrato ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na sinasabing "Davao Group" at sangkot sa smuggling operation sa bansa. 







Samantala, may pinanghuhugutan naman ang komento ni Sen. De Lima sapagka't nuong siya'y iniimbestigahan ng Senado kaugnay sa koneksiyon sa drug lord umano na si Kerwin Espinosa, agad siyang inakusahan ng ilang Senador na  may kaugnayan kay Espinosa dahil sa litratong sila ay magkasama sa Baguio City. 

Isa sa mga ebidensiyang ginamit laban kay De Lima ay ang isang larawan niya kasama si Espinosa, na pinangalanan bilang pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas, sa kanyang kampanya sa Baguio City noong nakaraang taon. Nagpatotoo naman si Espinosa sa Senado na nag-abot siya ng P8 milyon na pera kay De Lima noong araw na kinunan ang larawan. Itinanggi naman ng senador ang pagtanggap ng kahit anong sentimo mula kay Espinosa, na hindi niya personal na kilala.

“Thank you, Senator Pacquiao, for pointing out what I have been saying all along. ‘Hindi porke may picture, kasama ka na sa transaksyon nila. It do.’  How I wish you uttered the same thing about the supposed photo of mine with Kerwin Espinosa, a total stranger to me,” pahayag ni De Lima.

“Thank you for pointing out that testimonies based on “Sabi nila sa akin (Somebody told me)” should be given no credit and stricken out.  Those are exactly the kind of trash evidence that the cases against me are based on – from the mouths of convicted felons pa, with an axe to grind and everything to gain from currying favor from the current administration that is so gung-ho on persecuting me,” dagdag pa ng Senadora.





No comments:

Post a Comment