Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado ang kanyang desisyon na ideklara ang ika-11 ng Setyembre bilang isang "special non-working holiday" sa Ilocos Norte upang markahan ang ika-100 anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Isang reporter ang nagtanong kay Pangulong Duterte kung hinilingan siya ng mga Marcos na ideklara itong holiday at sinabi ng Presidente na siya ay "madaling sumang-ayon."
“He was a president. To the Ilocanos, he was the greatest president. Why do we have to debate on that? It's one day where they can celebrate the anniversary of a great Ilocano."
"(To others), sa tingin nila, si Marcos ay masamang tao. But that is not shared, that sentiment, that view is not shared by all,” sabi ni Duterte sa isang press briefing sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro City.
Sinabi rin ni Duterte na magdedeklara rin siya ng holiday sa kanyang mga "great sons" sa ibang mga probinsiya kung nais ng mga mamamayan.
“Pagdating ng mga Pampangueño and they want to celebrate also a great son of theirs, then go ahead. Cebuano, sige. Bakit ba natin pag-awayan iyan?” dagdag pa niya.
Ayon sa Proclamation No. 310, ang mga residente ng Ilocos Norte ay dapat "mabigyan ng ganap na pagkakataon upang ipagdiwang at makilahok sa okasyon na may angkop na mga seremonya."
No comments:
Post a Comment