Isang pangkat ng Asian Women Leaders ang humimok sa gobyerno ng Pilipinas na palayain si Senador Leila de Lima at ipawalang-sala siya sa kanyang mga isyu tungkol sa ilegal na droga.
"Nanawagan kami sa awtoridad ng Pilipinas na palayain agad si Senator Leila De Lima sa pamamagitan ng pag-withdraw ng mga singil sa drug-trafficking laban sa kanya."
ito ang mga naging panayam ni Emily Lau, isang dating mambabatas na bahagi ng Hong Kong's Umbrella movement.
Umaasa din ang grupo na makakuha ang senadora ng makatarungang hustisya.
Agad namang pinansalamatan ni De Lima ang supportang ibinigay sa kanya.
"Sa kabila ng tuloy-tuloy na pag atake ng tahasang kasinungalingan na itinatapon laban sa akin ng Presidente upang sirain ang aking karangalan at pagkababae, nagpapasalamat ako na maraming tao ang patuloy na nagpahayag at iningatan ang aking integridad."
saad ni De Lima.
"Sinisigurado ko ring darating ang araw na magkakaroon ng hustisya ang panglilinlang na ginagawa ni Duterte ngayon sa bansa. Huwag lang nilang subukang i deny ang ginawang nilang panlilinlang at pang-aabuso sa mga karapatang pantao dahil ang UNN at ICC ay nanonood at hindi nila malilinlang." dagdag pa niya.

No comments:
Post a Comment