LIBERAL PARTY GROUP! DUMALO SA MISA PARA SA MGA BIKTIMA NG MARTIAL LAW AT EJK! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Friday, September 22, 2017

LIBERAL PARTY GROUP! DUMALO SA MISA PARA SA MGA BIKTIMA NG MARTIAL LAW AT EJK!


And dating Pangulong Benigno Aquino III at Vice Preisdent Leni Robredo ay nakiisa sa misa ng grupo ng mga kabataan para sa mga naging biktima ng Martial Law at ang mga namatay sa extraudical killings nitong Huwebes kung saan naganap din ang National Day of Protest.

Nagsuot ang Liberal Party Group ng puting damit at naging isa sa mga mahigit 1000 na dumalo sa simbahan ng Parish o the Holy Sacrifice sa UP sa Quezon City kung saan nag alay ang mga tao ng bulaklak at kandial para sa mga biktima.

Sa isang bihirang paglulunsad, sinabi ni Aquino na dumalo siya sa misa upang pakinggan ang mga sentimento ng mga Pilipino na tumatawag para sa katarungan.

"Sang-ayon tayo na kailangan natin humimgi ng katarungan para sa mga namatay. Sana nakita na lang natin yung nakaraan bilang isang  madilim na kasaysayan." Ito ang naging saad ni Dating Pangulong Aquino.

Dagdag pa ni Sen. bam Aquino ang pinsan ng dating Pangulo sana ay maging mas mapagmatyag ang publiko tungkol sa mga maling nakikita nila sa gobyerno.

"Hindi dapat sabihing partisan ang mga ganitong event. dahil pwede tayong magkaisa dito. Basta't pagdating sa ating mga kapwa Pilipino, dapat tama na." pahayag ng Senador.

Dagdag rin ni dating Senator Mar Roxas na nandoon din sa mismong misa na hindi naman daw niya masisisi ang sambayanan sa pagpili ng Presidenteng nagsagawa ng isang madugong kampanya laban sa ilegal na droga na pumatay sa maraming tao.

"Hindi ko ikanatutuwa yung sinabi ko noong kampanya ay nangyayari ngayon. Dapat ay ipagtanggol natin yung mga namatay na." saad ni Roxas.

Naroon rin si Senate Minority Leader Franklin Drilon, Liberal Party President Kiko Pangilinan at si Caloocan Representative Edgar Erice sa nasabing misa.




No comments:

Post a Comment