Nasa 80 na drug surrenderee ang kasalukuyang sumasailalim ngayon sa Reformation Program sa Sta. Maria Bulacan.
"Kung ano ang itinanim, ito rin ang siyang aanihin", ito ang naging paniniwala ng mahigit kumulang 80 na drug surrenderees na napapasailalim ngayon sa sinasabing Reformation Program.
Maliban sa mga aralin na isinasagawa ay abala rin ang mga drug surrenderees sa pagtatanim ng gulay kagaya ng okra, kamatis, papaya, talong at saging na siya ring nagsisilbing pagkain ng mga nasa loob ng center habang ang iba naman ay ibenebenta sa pamilihan.
Ang Reformation Center sa Sta. Maria Bulacan ay isa sa mga pinakamalaking center sa lungsod ng Bulacan na may lawak ng 5 hektarya. Ayon sa tagapamahala ng center, simula daw ng maitayo ang Reformation Center nitong nakaraang taon ay may mahigit sa 700 na ang nagtapos dito.
Masaya naman ang mga reformees sa kanilang gingawa dahil daw nakatutulong din naman daw ito sa pagbabago ng kanilang personalidad at mga buhay.



No comments:
Post a Comment