OMG! MICROPLASTICS, NATAGPUAN SA INUMING TUBIG! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, September 7, 2017

OMG! MICROPLASTICS, NATAGPUAN SA INUMING TUBIG!



Ayon sa pagsusuring ginawa ng Orb Media, isang digital news organization na nakabase sa Amerika, nadiskubreng may microplastics sa mga sinuring inuming tubig mula sa limang kontinente at 83% ng sample ay nakitaan ng microplastics. 



Nagkakaroon ng microplastics kapag nabulok ang isang plastic. Sa ginawang pag-aaral sa mga microplastics sa karagatan sa buong mundo, napag-alaman at tinatayang nasa limang trilyong piraso ng plastics ang naiiwang lumulutang sa mga anyong tubig. Kapag nabulok ito, karaniwang sinisipsip ang mga nakalalasong kemikal sa dagat at unang nakakakuha dito ay ang mga isda dahilan upang makaapekto sa paglaki at sa mga itlog nito.






Samantala, ilan sa mga lugar na pinagkunan ng sample na tubig ay ang Uganda, Cuba, Lebanon, Germany at New York.




No comments:

Post a Comment