Naibanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte ang gusto niyang maging susunod na pinuno sana ng ating bansa. Pahayag ng Pangulo, wala na daw siyang mapiling ibang kandidato sa 2022 kundi ang kanyang anak lamang.
Hindi daw tulad ng ibang politiko, walang pinapanigan ang kanyang anak, matibay din daw ang loob nito at may alam sa batas.
Nabanggit din ng Pangulo ang naging desisyun ng anak kaugnay sa 49 billion reclamation project na gagawin sana sa Davao, hindi daw ito pinayagan ng Presidential daughter dahil maari nitong maapektuhan ang Mt. Apo.

No comments:
Post a Comment