Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa humigit kumulang limang libong piso lamang ang kanyang deposito sa bangko na nagmula pa sa kanyang minanang ari-arian sa kanyang mga magulang.
Ayon sa Pangulo, ang salapi ay galing sa bayad ng napagbentahan nilang magkakapatid sa minanang lupa.
Kaya giit ng Pangulo, wala umanong makikita at mahahanap si Senador Antonio Trillanes IV na record sa lahat ng bangko sa bansa na may mahigit P200 milyong nakapangalan sakanya.
Sinabi pa ng Pangulo na malaya ang kanyang mga kritiko na tuntunin ang kanyang mga ari-arian at pera dahil ipinamahagi na niya ito sa kanyang mga anak.
“But those titles are now in the name of my children. All the properties,” dagdag pa ng Presidente.
Muli namang tiniyak ng Pangulo na bababa siya sa puwesto sa oras na mapatunayang mayroon siyang ill-gotten wealth o nakaw na yaman sa alinmang bangko sa bansa.

No comments:
Post a Comment