Patuloy paring pinaninindigan ni Comelec Chairman Andres Bautista ang kanyang desiyong magbitiw sa pwesto sa kabila ng desisyon ng House of Representatives na patalsikin siya.
Ngunit sinabi ni Bautista noong Huwebes na ang kanyang pagbibitiw ay hindi "irrevocable," dahil bukas pa rin siya sa posibilidad na baka hilingin ni Pangulong Duterte na manatili siya sa pwesto sa mas mahabang panahon.
“I want him to have enough time to think over my resignation …He might ask if I could stay until a certain time,” ani Bautista.
“I don’t know what his decision will be. I haven’t talked to him. So out of respect for him, you give him options and let him decide what is best,” dagdag pa niya.

No comments:
Post a Comment