ANTI-DUTERTE NA SI JASMINE CRUZ, GINAWAN NG KANTA SI PANGULONG DUTERTE AT PINAMAGATANG "KILLER"! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, October 23, 2017

ANTI-DUTERTE NA SI JASMINE CRUZ, GINAWAN NG KANTA SI PANGULONG DUTERTE AT PINAMAGATANG "KILLER"!




Viral ngayon sa social media si Jasmine Cruz, isang anti-Duterte supporter, kung saan gumawa siya ng kanta para kay Pangulong Duterte.




Sa kanyang video post, sinabi ni Jasmine na ang kanyang awit ay ginawa niya bilang isang katuwaan lamang sa Pangulo ng Pilipinas. Pinamagatan niya ang kanyang kanta na "Killer" at inawit ito sa tune ng kanta ni Michael Jackson na "Thriller" at pasimpleng tinutukoy si Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang mamamatay-tao.




Malinaw na ang tinutukoy ni Jasmine ay ang digmaan ni Pangulong Duterte kontra sa ilegal na droga kung saan maraming mga drug suspects ang naiulat na pinapatay sa kanilang pagtanggi o pagtangkang labanan ang mga awtoridad sa panahon ng pag-aresto.

Ipinagmalaki pa niya ang kanyang kantang may mga dance steps at mga lyrics na tulad ng,  “Duterte is a killer, killer siya! Ang Presidente natin ay killer na sh*nga pa. Killer, killer siya! You’re fighting for your life when you go home and there’s more. Killer, killer siya! You’re fighting for your life because he’s a killer, hitler, sh*nga!”

Pagkatapos umawit, hinimok pa ni Jasmine ang kanyang mga followers at iba pang mga viewers na gumawa rin ng kanilang sariling video o 'di naman kaya'y pwedeng maidagdag sa kanyang kanta tungkol kay Pangulong Duterte.

No comments:

Post a Comment