Matapos akusahan ni bagman ng Berya Drug Group Ricky Serenio si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas bilang protektor ng illegal drug operations sa Negros Occidental ay nagbigay na ito ng kanyang pahayag.
Ayon sa Bombo Radyo Bacolod, tumanggi si Mar Roxas na magpa-interbyu ngunit nagbigay ito ng isang text message upang sagutin ang mga akusasyong ibinabato sakanya.
Ayon kay Mar, taktika lang umano ito ng mga local na kulang sa pansin upang makuha ang atensiyon ni Pangulong Duterte na nakatakdang bibisita sa lugar bukas.
Iginiit rin ni Roxas na hindi sila magkakilala ni Ricky Serenio at kailanman ay hindi sila nagkatransaksiyon maging sa mga Odicta.
Tinawag ni Roxas bilang isang fake news, katatawanan at papansin ang akusasyon at pagdawit sakanyang pangalan bilang protektor ng drug lords.
Tutol din siya aniya sa iligal na droga at patunay lamang ang mga bilang ng records ng mga naaresto at nakumpiskang illegal drugs ng PNP noong siya ay DILG Secretary pa.
Samantala, kampante naman si Roxas na hindi maniniwala ang mga taga-Western Visayas sa akusasyon sapagkat kilala na nila umano ang kanyang pagkatao at pag-uugali sa lugar.
Source: /altervista/

No comments:
Post a Comment