Pinangunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ngayong araw ang paglulunsad ng "Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines" sa Marquis Events Place Sa Taguig's Bonifacio Global City. Ito ay para himukin ang mga Pilipino na suportahan ang pangangasiwa ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte at pag-isahin ang bansa sa pamamagitan ng isang "positibong tinig."
Sa kanyang speech, pinatamaan nito ang mga bumabatikos sa kanyang Ama at ang Administrasyon nito.
Sinabi ni Sara na dapat isantabi muna ang personal na pulitika na sumisira sa ating bansa sa tuwing may bagong Presidente.
“Dapat positive lang lahat, huwag na nating gawing negative ang Pilipino. Let us work altogether, mutually, in groups, in communities to make change happen,” aniya.
Binigyang-diin rin ni Sara na ang ating Pangulo ay tao lamang at ito'y hindi perpekto.
“Our President is human, very, very imperfect, very imperfect. He’s a wrangler.”
And we only have six years, five na lang [just five], we only have five years to take advantage of that warrior spirit, of that aggressive spirit and use him, s’ya ang gagamitin natin [we will use him] to create a better future for our country,” giit ni Sara.
Samantala, tumanggi naman ang Mayora sa kumakalat na balitang ito ay paghahanda para sa darating na halalan.
“This is not a political party. Tapang at Malasakit is an alliance of initially all the groups that supported the campaign of President Duterte during the elections. But this is also a call to all Filipinos to come together for our country.”
“This is not part of any campaign or any plot on national position. Lahat ng politiko alam nila pag nag-announce ka ng ganito kaaga masisira ka,” pahayag ng Mayora.

No comments:
Post a Comment