Apat na Chinese nationals
arestado sa kasong ilegal na pagmimina sa bayan ng Paracale, Camarines Norte
Biyernes.
Hindi lang kaso ng ilegal na
pagmimina ang hinaharap ng mga dayuhang Tsino, kundi pati paggamit umano ng mga
ilegal na pampasabog.
Kinilala naman ang mga
suspek na sina Han Bing, Zhang Ming, Wang Han-Qing at Sun Yu.
"Ang pakilala nila
tourists pero sila ang operators ng minahan, ni wala silang ipinakitang
passport, kahit anong document," ani ni Attorney Marvin Matamis ng
National Bureau of Investigation.
Sa katunayan, nasa mahigit
100 dinamita at kagamitan sa paggawa nito ang nakuha sa isang kwarto sa gusali.
Pag-aari naman ng Golden
River Mining Corp. ang minahan at ang permiso ay nakabinbin sa Mines and
Geosciences Bureau.
Pero hindi umano tauhan ng
kumpanya ang apat na tumanggi nang magbigay ng kanilang panig.
Matapos ang pangyayari, isinara na ang
minahan at nasa kustodiya na ito ng Punong Barangay na si Rodolfo Laguador.

No comments:
Post a Comment