Pinabulaanan ng aktor na si
Cogie Domingo ang mga paratang sa kanya sa di-umanoy pagbili at pagbenta nito
ng ilegal na droga matapos itong mahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug
Enforcement Agency (PDEA) Region 4-A, sa Parañaque City, kaninang
madaling-araw, Biyernes, Ika-27 ng Oktobre
Iniharap naman ng PDEA si
Cogie sa press conference na ginanap sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.
Kasama ng 32-anyos na aktor
ang kanyang ama na si Atty. Rod Domingo.
Ayon sa pahayag ni Cogie,
“Hindi po ako nagbebenta. Hindi rin po ko bumibili.
"Hindi ko po alam kung
ano yung ebidensiya laban po sa akin.
“Sa totoo niyan, kumakain
lamang po kami ng dinner.
"Nagulat na lang ako na
meron pong mga pulis dun at nagkaroon ng hulihan."
Dagdag pa ng aktor, “Yun nga
po, nagulat lang po ako dun sa nangyari at kumakain lang po kami.
“Hindi ko alam kung ano yung
evidence laban po sa akin, pero nandito po yung dad ko to talk more about
it."
Ayon naman sa PDEA, may mga
gamit daw na nakumpiska sa loob ng kotse ng aktor na magpapatunay na gumagamit
ito ng ilegal na droga.
Todo tanggi naman dito si
Cogie. At handa rin daw ito na sumailalim muli sa drug test upang patunayang
hindi na siya gumagamit nito.
Sa kabilang dako, ayon naman
sa ama ng aktor na si Atty. Rod Domingo, nagulat siya sa pangyayari dahil alam
niyang hindi nagda-drugs ang kanyang anak.
Ika niya, “Nalulungkot ako
na kailangan kong humarap sa inyo.
"Sa pagkakataon ito na
ako’y humaharap, hindi bilang isang abugado kundi sumusuporta ako sa aking anak
na alam kong hindi nagdudroga, hindi nagbebenta...
"He is not in any way
related to drugs."

No comments:
Post a Comment