Japanese Prime Minister Shinzo Abe (LEFT); Philippine President Rodrigo Duterte (RIGHT) |
Ito na ang pangalawang beses na
bibisita si Pangulong Duterte sa Japan.
Nakatakdang itong umalis ngayong
Linggo ng gabi, para sa dalawang araw na official visit na inaasahang lalong
magpapalakas sa ugnayan ng dalawang bansa.
Sa Lunes, Oktubre 30, naman nakatakdang lalapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo sa Haneda Airport sa Tokyo, Japan.
Makikipagkita ang Pangulo kay
Japanese Prime Minister Shinzo Abe, na nanalo sa katatapos lang na halalan.
Sa pagbisita naman ng Pangulo, dito rin inaasahan na kabilang sa mga matatalakay ay ang mga isyung pangkapayapaan sa
rehiyon, partikular na ang sa tensiyon sa Korean peninsula.
Makikipagpulong din ang Pangulo sa
mga foreign minister ng Japan, mga opisyal ng Japan International Cooperation
Agency, at mga mambabatas.
No comments:
Post a Comment