Matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City mula sa mga Maute-ISIS group, nanawagan si Manila Mayor Joseph Estrada sa publiko na magkaisa at patuloy na suportahan ang administrasyong Duterte sa patuloy na pagsugpo ng teroriso sa bansa.
Kung mayroong leksiyong natutunan sa nangyari sa Marawi City, ito ay ang kahalagahan ng pakikiisa ng bawat Filipino sa pamahalaan upang pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan, ani Estrada.
“If there is no peace and order, we cannot move forward, that’s why we should be united as a nation,” pahayag ni Estrada.
“We are all Filipinos, we’re just a small country, and yet we cannot unite? This is why we are left behind. We only have one flag, one Constitution, one government. Period,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Estrada na dapat papurihan ang Pangulo sa maayos at matagumpay na paghawak nito sa krisis sa Marawi maging sa kanyang political will at inspiring leadership na naging inspirasyon ng mga Filipino upang suportahan ang operasyon ng military laban sa Maute-ISIS group.
“When I was president, inubos ko ang MILF,” ani Estrada na ang tinutukoy ay ang kanyang all-out war sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 2000.
Source: altervista

No comments:
Post a Comment