Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Sen. Leila de Lima para sa kanyang paglaya sa detensiyon at pagtigil sa mga karagdagang paglilitis sa mga "illegal drug trading charges" laban sa kanya.
Ayon kay SC Spokesman na Theodore O. Te, ang boto na 9-6 sa SC ang nag-dismissed ng petisyon ni Senador Leila De Lima. Mayroong 11 magkakahiwalay na opinyon (5 sumang-ayon, at 6 na hindi sumang-ayon).
Sinabi ni Te na ang desisyon ay isinulat ni Justice Presbitero J. Velasco Jr. at sinang-ayunan nina Justice Teresita J. Leonardo de Castro, Diosdado M.Peralta, Lucas P. Bersamin, Mariano C. del Castillo, Samuel R Martires, Noel G. Tijam, Andres B. Reyes Jr., at Alexander G. Gesmundo.
Ang mga hindi sumang-ayon ay sina Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno, Senior Justice Antonio T. Carpio, Justices Estela M. Perlas Bernabe, Marvic Mario Victor F. Leonen, Francis H. Jardeleza, at Alfredo Benjamin S. Caguioa.
Ang 58-taong-gulang na si De Lima ay inakusahan ng pagtanggap ng pera mula sa mga bilanggo noong siya ay Justice Secretary mula 2010 hanggang 2015. Siya ay walang karapatang mag-piyansa at, kung mapatunayang nagkasala, siya ay mahaharap sa panghabang-buhay na pagkabilanggo.
Para sa kabuuan ng balita, panuorin ang video.


No comments:
Post a Comment